LISTAHAN
LISTAHAN

Ang Mayamang Hangal

Su, 11 May 2025 • Pastor Rhee, Yo-han
Luke 12:13~21
13 Sinabi sa kanya ng isa sa maraming tao, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.”
14 Subalit sinabi niya sa kanya, “Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin upang maging hukom o tagapamahagi sa inyo?”
15 Sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo at magbantay laban sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa kasaganaan ng kanyang mga ari-arian.”
16 Nagsalaysay siya sa kanila ng isang talinghaga: “Ang lupain ng taong mayaman ay namunga ng sagana.
17 Inisip niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko, sapagkat wala akong mapaglalagyan ng aking mga ani?’
18 Sinabi niya, ‘Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at magtatayo ako ng mas malalaki at doon ko titipunin ang lahat ng aking mga butil at mga pag-aari.’
19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa ‘Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakaimbak para sa maraming taon; magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, magsaya ka.’
20 Subalit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal, sa gabing ito ay kukunin ang iyong kaluluwa; at kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’
21 Gayon nga ang nagtitipon ng kayamanan para sa kanyang sarili, subalit hindi mayaman sa Diyos.”
Luke 12:13-21
Kopyahin


Halikayo, Ito Na Kaya Ang Cristo?
25.7.27 John 4:27~29 Pastor
Kamanggagawa ng Diyos
25.7.20 Pastor Rhee, Yo-han
Minamahal mo ba Ako?
25.7.13 John 21:17 Pastor
Paanyaya sa Handaan ng Diyos
25.7.6 Matthew 22:1~14 Pastor Rhee, Yo-han
Mga Taong Umaakay sa mga Makasalanan kay Cristo
25.6.29 Mark 2:1~12 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Daan ng Isang Tunay na Cristiano 3
25.6.22 Psalms 1:1~6 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Daan ng Isang Tunay na Cristiano 2
25.6.15 Psalms 1:1~6 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Daan ng Isang Tunay na Cristiano
25.6.8 Psalms 1:1~6 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Pananampalataya ni Abel at ni Enoc
25.5.18 Hebrews 11:4~5 Pastor Rhee, Yo-han
Wala Bang Kabuluhan Ang Maglingkod Sa Diyos?
25.5.4 Malachi 3:1~18 Pastor
Naglo-load...
Pinoproseso...
Nagpapadala...
Naghahanap...