LISTAHAN
큰 비밀인 그리스도와 교회(남편과 아내)
Ephesians 5:22~33
22 Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyung mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.
23 Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Cristo na ulo ng iglesya, na siya ang tagapagligtas ng katawan.
24 Subalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyung mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya;
26 upang kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita,
27 upang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.
28 Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanya-kanyang sariling asawa gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili.
29 Sapagkat walang sinumang napoot sa kanyang sariling katawan, kundi inaalagaan at iniingatan ito, gaya naman ni Cristo sa iglesya;
30 sapagkat tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan.
31 Dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila, subalit ako ay nagsasalita tungkol kay Cristo at sa iglesya.
33 Gayunman, dapat ibigin ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling asawa gaya ng kanyang sarili, at igalang ng babae ang kanyang asawa.Ephesians 5:22-33
오직 성령의 충만을 받으라
여호와 닛시 (여호와는 나의 깃발이시라)
기다림에 지치지 말라
Ang Faraon ni Jose at ang Faraon ni Moises
Ang mga Nag-akay ng mga Makasalanan kay Cristo
Ang Paanyaya ng Diyos sa Handaan
Suklian Natin ang Biyaya ng Diyos
Ang Buhay na Ipinamumuhay para sa Panginoon
Taga-Saan Ka?
Ang Makipot na Pintuan at ang Malawak na Pintuan
Ang Tatlong Yugto ng Kaligtasan
Sa Lahat ng Bagay ay Magpasalamat Kayo
Naglo-load...
Pinoproseso...
Nagpapadala...
Naghahanap...
