Sermon
|
Sunday Sermon Ang mga Taong Nag-akay ng Makasalanan kay Jesus
Reverend Rhee, Yo-han
date 2022.07.10
Watch the Video
listen to sermon
Vimeo
YouTube
Download
get link
Ang mga Taong Nag-akay ng Makasalanan kay Jesus
Reverend Rhee, Yo-han
date 2022.07.10
Watch the Video
listen to sermon
Vimeo
YouTube
Download
get link
Mark 2:1 ~ 11
1 Nang siya'y magbalik sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang balita na siya'y nasa bahay. 2 Maraming nagtipon, kaya't wala nang lugar kahit sa may pintuan. At kanyang ipinangaral sa kanila ang salita. 3 May mga taong dumating na may dala sa kanya na isang lalaking lumpo na buhat ng apat. 4 Nang hindi nila ito mailapit sa kanya dahil sa karamihan ng tao, kanilang tinanggal ang bubungan sa tapat ng kanyang kinaroroonan. Nang kanilang mabutas iyon, ibinaba nila ang higaang kinahihigan ng lumpo. 5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lumpo, “Anak, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.” 6 May ilan sa mga eskriba na nakaupo roon na nagtatanong sa kanilang mga puso, 7 “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Siya'y lumalapastangan! Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?” 8 Pagkabatid ni Jesus sa kanyang espiritu na nagtatanong sila ng gayon sa kanilang mga sarili, agad niyang sinabi sa kanila, “Bakit nagtatanong kayo ng ganito sa inyong mga puso? 9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa lumpo, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan;’ o ang sabihin, ‘Tumayo ka, damputin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?’ 10 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may awtoridad sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan”—sinabi niya sa lumpo— 11 “Sinasabi ko sa iyo, tumayo ka, damputin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.”
|